Umabot sa ₱2.6 milyon ang financial assistance na ipinamahagi ng Department of Migrant Workers–National Capital Region sa 52 distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) kahapon.
Ayon kay DMW-NCR Regional Director Ace Falconi Millar, ang ipinamahaging ayuda ay mula sa AKSYON Fund sa ilalim ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Program.
Hinimok ni Millar ang mga benepisyaryo na gamitin nang maayos ang financial assistance para sa kanilang kinabukasan at kapakanan ng kanilang pamilya.
Inanunsyo rin ng DMW-NCR ang isasagawang job fair sa August 26 sa San Andres, Manila.
Bukas ito sa mga OFW at kanilang pamilya na naghahanap ng trabaho at mga oportunidad sa kabuhayan. Patuloy na nagbibigay ang DMW ng tulong sa mga OFW na nasa krisis, emergency, at distress situations sa pamamagitan ng AKSYON Fund at iba pang programa ng ahensya.