Nagpaalala ang Social Security System sa mga nag-avail ng Emergency Loan noong January 2026 na magsisimula na ang kanilang loan amortization ngayong August, kasunod ng anim na buwang moratorium period.
Sa abiso ng SSS, hinimok ang mga borrower na regular na tingnan ang kanilang My.SSS account para sa updated Statement of Account, buwanang amortization, at payment due dates.
Para sa employed members, dapat makipag-ugnayan sa kanilang employer para sa tamang salary deduction at remittance.
Samantala, kailangang kumuha ng Payment Reference Number (PRN) ang self-employed, voluntary, at OFW members bago magbayad sa mga accredited payment channels.