Screenshot
Inanunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na isasailalim sa Yellow Alert ang Visayas Grid mamayang 6:00 PM hanggang 9:00 PM.
Nasa 2,516 megawatts ang available capacity ng grid, kumpara sa 2,292 megawatts na peak demand.
Ayon sa NGCP, nasa 901.9 megawatts ang kabuuang kapasidad na hindi available sa grid dahil sa forced outages at derated capacities ng ilang power plants.
Kabilang sa mga dahilan ng alert ang hindi pagiging available ng malalaking coal plants na TVI 1 at TVI 2.
Nagkaroon din ng emergency shutdown ang KSPC 1 kagabi dahil sa hinihinalang boiler tube leak. Paliwanag ng NGCP, idinedeklara ang Yellow Alert kapag hindi sapat ang operating margin upang matugunan ang contingency requirement ng transmission grid