Sinisiguro ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na maririnig ang mga hinaing ng Aeta Hungey community kaugnay ng panukalang Pax Silica Project sa Capas, Tarlac.
Ayon kay NCIP Secretary at Chairperson Nancy Catamco, ipaaabot sa Bases Conversion and Development Authority ang mga concern ng komunidad.
Nakipagdayalogo si Catamco sa mga Aeta Hungey sa Sitio Binyayan, Capas, kung saan inilahad ng mga katutubo ang kanilang mga pangamba sa proyekto.
Kabilang dito ang posibleng epekto sa kanilang tirahan, kabuhayan, at ancestral domain.
Nauna nang nagsagawa ang NCIP ng census at validation sa Sitio Sapang Kawayan upang matukoy ang mga katutubong maaaring maapektuhan ng proyekto. Tiniyak ni Catamco na patuloy na makikipag-ugnayan ang NCIP sa mga komunidad at kinauukulang ahensya upang mapangalagaan ang karapatan, kultura, at ancestral domain ng mga katutubo.