Pursigido ang Pilipinas na isulong ang mas pinalakas na pagnenegosyo sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Pinangunahan ni Government Corporations and Investments Group (GCIG) Undersecretary Ma. Angela E. Ignacio, bilang kinatawan ni Finance Secretary Frederick Go, ang talakayan kasama ang mga kinatawan ng US-ASEAN Business Council (USABC).
Sa ginanap na roundtable discussion, ibinida ng DOF ang business climate sa bansa, kasama na dito ang government intervention upang suportahan ang paglago ng mga negosyo at maka-engganyo ng foreign investments.
Ang diyalogo at nagpapakita ng patuloy na komitment ng Department of Finance (DOF) sa pakikipag-ugnayan sa pampribadong sektor.
Layunin nitong tugunan ang mga hamon sa negosyo, pagbutihin ang Philippine business environment at isulong ang mga proyektong may malaking epekto para sa mas matibay na economic cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.