Nag-abiso ngayon ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI) na pansamantalang lilimitahan muna ang walk-in admissions sa emergency room.
Ito ay dahil sa pagdami ng mga kaso ng leptospirosis at mataas na bilang ng mga pasyente.
Ayon sa NKTI, nasa full bed capacity ang ospital kaya bibigyang-prayoridad ang mga pasyenteng nangangailangan ng agaran at kritikal na medical intervention.
Pinapayuhan naman ang mga nangangailangan ng elective o non-emergency admission na makipag-ugnayan muna sa kanilang attending physician at isaalang-alang ang ibang health facilities na may available na mga kama para maiwasan ang matagal na paghihintay.