Photo courtesy of Department of Human Settlements and Urban Development
Umarangkada na sa full-scale construction ang UP Los Baños 4PH Rental Housing Project sa Barangay Paciano Rizal, Bay, Laguna.
Pinangunahan nina DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling at UP President Angelo Jimenez ang concrete pouring ceremony nitong Lunes.
Ayon kay Aliling, bunga ang proyekto ng koordinasyon ng DHSUD at University of the Philippines.
Bahagi ang proyekto ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino o 4PH Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Layunin nitong magbigay ng disente, ligtas, at abot-kayang pabahay.
Unang 320 housing units ang ilalaan para sa mga kwalipikadong low-income employees at estudyante ng UPLB, gayundin sa mga informal settler families sa loob ng unibersidad.
Matapos ang 45 taon, ito ang unang government housing project na muling ipinatutupad sa UPLB.