Pinalakas ng Department of Agriculture (DA) ang market early-warning system para maagap na matugunan ang oversupply ng gulay.
Layon nitong ikonekta agad ang mga magsasaka sa buyers at maiwasan ang pagkasira o pagbebenta ng ani sa mababang presyo.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., magbibigay ang sistema ng alerts sa inaasahang harvest, weather disturbances, at iba pang banta sa supply chain.
Pahihigpitin din ang farmgate price monitoring at koordinasyon sa mga ahensya para magkaroon ng mas maraming market para sa mga gulay.
Sinabi pa ni Tiu Laurel na mega cold storage at vegetable processing facilities ang pangmatagalang solusyon sa oversupply.
Habang hinihintay ito, magpapatuloy ang DA sa pag-rehabilitate ng existing cold storage, at pagdagdag ng maliliit na storage units.