Pinatitibay ng Bureau of Customs (BOC) ang koordinasyon nito sa Philippine National Police (PNP) kasunod ng insidenteng kinasangkutan ng mga tauhan ng BOC-Port of Subic at PNP-Highway Patrol Group o HPG sa Santa Maria, Bulacan.
Itinuring ng BOC na isolated incident ang pangyayari habang nagsasagawa umano ng lehitimong condemnation activity ang mga tauhan ng Customs.
Ayon kay BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno, suportado ng ahensiya ang mga tauhan nito sa legal na pagtupad ng kanilang tungkulin at dapat pairalin ang respeto, propesyonalismo, at umiiral na inter-agency protocols.
Kinilala rin ng BOC ang mabilis na aksyon ng liderato ng PNP upang tugunan ang insidente.
Iniutos ni Nepomuceno ang pagpapahusay sa koordinasyon at operational protocols ng dalawang ahensiya upang maiwasang maulit ang kahalintulad na pangyayari habang nagpapatuloy ang kanilang kampanya laban sa smuggling at ilegal na kalakalan.