Magtutulungan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Consuelo Zobel Alger Foundation sa pagpapalakas ng kampanya laban sa online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC) at child sexual abuse and exploitation materials (CSAEM).
Isinagawa na ang specialized training seminar sa ilalim ng Project SAFE against OSAEC.
Layunin nitong palakasin ang kakayahan ng mga local multidisciplinary teams sa proteksiyon ng mga bata sa online na espasyo at kaalaman sa digital parenting.
Dumalo sa pagsasanay ang mga technical officer ng DSWD Field Offices sa National Capital Region (NCR), CALABARZON, Central Visayas, at Northern Mindanao, kasama ang mga kinatawan mula sa mga pilot local government units (LGUs).
Ayon kay DSWD Undersecretary Eduardo Punay, kailangan ang pagtutulungan ng pamahalaan, civil society, mga komunidad, at mga pamilya upang maprotektahan ang mga bata sa digital spaces.
Katuwang ng DSWD sa programa ang Consuelo Zobel Alger Foundation, Save the Children Philippines, at International Justice Mission.