Pinag-aaralan ng National Irrigation Administration ang pagtatayo ng mga impounding dam at iba pang water management projects para makatulong sa pagbawas ng pagbaha sa Pampanga at iba pang bahagi ng Gitnang Luzon.
Ayon kay NIA Administrator Eduardo Guillen, tinutukoy na ng pamahalaan ang mga posibleng lokasyon para sa mga impounding dam.
Naglalaan din umano ang pamahalaan ng pondo para maisakatuparan ang mga naturang proyekto.
Layunin ng mga ito na mapabuti ang pamamahala at pag-iimbak ng tubig, lalo na sa mga lugar na madalas makaranas ng pagbaha.
Sabi pa ni Guillen,patuloy ang koordinasyon ng NIA, DENR, DPWH at iba pang ahensya sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga water management program.
Inaasahang makatutulong ang mga proyekto sa pagtugon sa problema ng pagbaha sa Pampanga at iba pang lugar sa Gitnang Luzon. | ulat ni Rey Ferrer