Pinalawig ng Commission on Higher Education (CHED) ang aplikasyon para sa Medical Scholarship and Return Service Program (MSRS) hanggang Agosto 28, 2026.
Saklaw ng programa ang mga kwalipikadong Filipino students na kumukuha ng Doctor of Medicine sa mga partner Higher Education Institutions (HEIs), kapalit ng return service sa mga underserved communities matapos ang kanilang pag-aaral.
Kabilang sa maaaring mag-apply ang mga Filipino citizen na hindi lalampas sa 51 taong gulang, mga graduate o graduating student ng kwalipikadong undergraduate program, at mga estudyanteng naka-enroll o na-admit sa partner HEIs.
Kailangan din ang National Medical Admission Test (NMAT) score na itinakda ng CHED at ng mga partner institution.
Kabilang sa mga benepisyo ang tuition at iba pang school fees, subsidies at allowances, board review at licensure fees, gayundin ang medical at accident insurance. Ang mga interesadong aplikante ay maaaring magsumite ng kanilang aplikasyon hanggang Agosto 28, 2026, sa MSRS Application Portal.