Sa gitna ng patuloy na banta ng mga bagyo at habagat, patuloy din ang pagkakarga at pag-dispatch ng Family Food Packs (FFPs) sa mga delivery truck sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Luzon Disaster Resource Center (LDRC) sa Pasay City.
Ayon sa DSWD, ipapadala ang relief packs sa DSWD Field Offices sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, at MIMAROPA bilang bahagi ng patuloy na augmentation at disaster preparedness operations ng kagawaran.
Kasabay nito, dumating din sa LDRC ang karagdagang suplay ng bigas para suportahan ang tuloy-tuloy na produksyon ng FFPs at mapanatili ang sapat na stockpile ng relief supplies.
Kaugnay nito, umabot naman na sa 1,871,468 FFPs, 14,648 non-food items (NFIs), at 23,497 ready-to-eat food (RTEF) boxes ang naipamahagi sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Luis, Maymay, Neneng, at Habagat.
Nananatili namang available ang nasa higit ₱4-na bilyong halaga ng standby funds ng DSWD para sa tuloy-tuloy na paghahatid ng tulong sa mga komunidad na nangangailangan.
📸 DSWD

