Nadagdagan pa ng dalawa ang bilang ng mga napaulat na nasawi dulot ng pinagsamang epekto ng mga nagdaang bagyo gayundin ng Habagat.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Redution and Management Council (NDRRMC), umakyat na sa 31 ang bilang ng mga napaulat na nasawi kung saan, pinakamarami ang naitala sa Benguet na 15 dulot ng landslide.
Aabot naman sa 19 ang bilang ng mga napaulat na nasugatan habang nananatili naman sa tatlo ang bilang ng mga nawawala at patuloy pa ring pinaghahanap.
Samantala, umabot naman na sa 2.2 milyon na pamilya o katumbas ng 7.7 milyong indibidwal sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang apektado ng masamang panahon.
Habang umabot naman sa 104 na mga lugar ang isinailalim na sa State of Calamity.