Photo courtesy of Bureau of Internal Revenue
Pinalakas ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Davao City ang revenue collection sa pamamagitan ng reporma, enforcement at pagsusulong ng voluntary compliance.
Umabot sa ₱13.10 bilyon ang nakolekta ng rehiyon sa unang semestre ng 2026, habang ₱2.81 bilyon naman ang nakolekta noong Hulyo.
Mas mataas ng 4.36% ang July collection kumpara sa nakaraang taon at 10.9% naman itong lampas sa itinakdang monthly target.
Umabot din sa ₱657 milyon ang audit collections, mas mataas ng ₱378 milyon o 135.5% sa target na ₱279 milyon.
Samantala, halos 1.7 milyong pakete ng iligal na sigarilyo ang nakumpiska ng BIR, na may tinatayang tax liability na ₱1.35 bilyon.
Binigyang-diin ni Finance Secretary Frederick Go ang pagpapalakas ng voluntary compliance, kasabay ng mas pinaigting na kampanya laban sa tax evasion at iligal na tabako.