Isinailalim ngayon sa pagsasanay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nga frontliner sa Zamboanga kaugnay Trauma-Informed Support at Psychological First Aid (PFA) para sa mga bata at kabataan sa Zamboanga City.
Ito ay sa pamamagitan ng DSWD Academy at katuwang ang Ateneo Bulatao Center ng Ateneo de Manila University.
Layon ng pagsasanay na palakasin ang kakayahan ng mga responder sa crisis intervention, child protection, referral mechanisms at responder self-care, lalo na sa pagtugon sa mga batang at kabataang nakaranas ng krisis.
Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, mahalaga ang psychological first aid training para sa mga frontline worker dahil sila ang unang nagbibigay ng seguridad at gabay sa mga komunidad sa panahon ng krisis.
Kabilang sa 49 na kalahok ang mga kinatawan mula sa DSWD Field Office 9, Ateneo de Zamboanga University, Department of Education, Philippine National Police, City Social Welfare and Development Office, City at Regional Prosecutor’s Office at Department of Health.
Binigyan din ang mga kalahok ng mga module para matutunan ang pagbuo ng supportive at child-sensitive environment.
📸 DSWD

