Ligtas nang nakauwi ng Pilipinas ang 261 sa 400 Filipino seafarers na naipit sa kaguluhan sa Black Sea, ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac.
Nangangaguhulugan ito na mahigit 50 porsiyento na ng naipit na Pilipino Seafarers ang nasa bansa at matagumpay na nasagip.
Kabilang sa mga nakauwi ang dalawang marinong nasawi at 15 seafarers na nasugatan.
Nabigyan na rin ang repatriated seafarers ng kaukulang financial, medical, at psychosocial assistance mula sa pamahalaan.
Pagtitiyak pa ni Sec. Cacdac na patuloy na nakatutok ang DMW at Department of Foreign Affairs sa sitwasyon ng iba pang marinong nakatakdang iuwi sa bansa.