Photo courtesy of Department of National Defense (DND)
Kinumpirma ng Department of National Defense (DND) na matagal nang kasama sa plano ng pamahalaan ang pag-acquire ng mga multirole fighter jets ngunit kailangan munang maihanda ng bansa ang kinakailangang support system upang mapagana ito.
Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., magiging “useless” lang ang ia-acquire na mga multirole fighter jet kung hindi rin naman maisasabay na mabuo ang mga kinakailangang pasilidad nito.
Sa pagdinig ng Kamara sa panukalang budget ng DND, idinetalye ng kalihim na ilan sa capabilities na kakailanganin sa pag-acquire ng mga multi-role fighter jet ay ground control, domain awareness, at radar and air-to-air refueling.
Dagdag pa ni Teodoro, kakailanganin din ng bansa ang 40 multirole fighters para sa isang credible force package ngunit kasama din dito ang pagbuo ng mga imprastraktura na magbibigay naman ng support capabilities.