Posibleng umabot sa 300% ang congestion sa mga kulungan ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP kapag tuluyang ipawalang-bisa ang tinatawag na “Robin Padilla Law.”
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, kailangan ng dagdag na pondo para sa BJMP upang mapalawak ang mga pasilidad nito sakaling ma-repeal ang Republic Act No. 8294.
Sinabi ni Remulla na kasalukuyang nasa mahigit 200% capacity ang mga kulungan, at maaaring umakyat pa ito sa 300% capacity kapag naging non-bailable ang possession ng loose firearms.
Aniya, laganap ang loose firearms sa bansa at kapag nahuli ang mga may hawak nito, mas marami ang posibleng makulong dahil hindi na makakapagpiyansa.
Katunayan batay sa kanilang pagtaya 98% ng violent crimes ay kinasasangkutan ng loose firearms Matagal nang itinutulak ng kalihim na i-repeal ang RA 8294 upang gawing non-bailable offense ang possession ng loose firearms. | ulat ni Kathleen Forbes