Iniulat ng National Irrigation Administration (NIA) ang matagumpay na cloud seeding operations sa Magat Reservoir and Watershed sa Isabela nitong miyerkules, August 26.
Isinagawa ang operasyon sa loob ng isang buwan katuwang ang Department of Agriculture–Bureau of Soils and Water Management (DA-BSWM) at Philippine Air Force (PAF) na may kabuuang 30 flight hours, bilang agarang tugon sa epekto ng El Niño sa sektor ng agrikultura.
Nagresulta naman ito sa 178.50 meters na antas ng tubig sa Magat Dam mula sa 159.76 masl noong July 16, na pinakamababang antas nito ngayong taon.
Ayon sa NIA, nakatulong ang pagtaas ng lebel ng tubig para magkaroon ng mas malaking kapasidad para sa irigasyon sa Isabela at mga karatig-probinsiya.
Bukod sa cloud seeding, nakadagdag din sa inflow ng reservoir ang mga pag-ulan dulot ng mga bagyo nitong Agosto at habagat.
📸 NIA

