Tuloy-tuloy ang pagta-trabaho ng Department of Energy (DOE) upang mapagana na at maisakatuparan na ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. pagdating sa Waste-to-Energy Program.
Sa panayam ng Mark In, Mark Out kay Energy Sec. Sharon Garin, sinabi nitong on-track ang kagawaran pagdating sa waste-to-energy initiative ng pamahalaan.
Ayon kay Sec. Garin gugulong na ngayong October 2026 ang Green Energy Auction Program (GEAP) kung saan dito madedetermina ang mga developer at investors na aaprubahan ng pamahalaan para mag-suplay ng enerhiya gamit ang waste-to-energy program.
Habang umaarangkada sa early stages ang programa ay kinakailangan na ng developers na mag-secure ng waste feedstock supply agreement sa mga local source o LGUs upang malaman kung saan nila kukunin ang basurang kanilang iko-convert sa enerhiya.
Magiging malaking tulong ito ayon sa kalihim upang totoong mabawasan na ang basura sa bansa at masolusyunan ang usapin ng energy security ng Pilipinas.