Nagsama-sama sa Ateneo de Manila University ang mga kinatawan ng ASEAN, pamahalaan, akademya at mga estudyante para sa ASEAN-IPR University Tour 2026, isang inisyatiba na naglalayong palakasin ang papel ng kabataan at mga unibersidad sa pagsusulong ng kapayapaan at pagkakasundo sa rehiyon.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) Secretary Mel Senen S. Sarmiento na mahalaga ang mga pamantasan bilang sentro ng diyalogo, pananaliksik at paghubog ng mga susunod na lider sa usapin ng peacebuilding. Tinalakay rin sa programa ang mga hamon sa seguridad ng ASEAN tulad ng violent extremism, disinformation, cybersecurity, usaping pandagat at epekto ng climate change, gayundin ang mga karanasan ng Pilipinas sa localized peacebuilding.
Binigyang-diin ng mga tagapagsalita na ang matatag na kooperasyon ng mga pamahalaan, akademya at kabataan ang susi sa pagbuo ng isang mapayapa, matatag at people-centered na ASEAN.
Itinatag noong 2012, ang ASEAN-IPR ay isang institusyon ng ASEAN na nakatuon sa pananaliksik, capacity building at pagsusulong ng kapayapaan at pagkakasundo sa rehiyon.
