Mas paiigtingin ng U.S. ang pag-isyu sa mga dayuhan, kabilang na ang mga Pilipino, na nais magkaroon ng B1 at B2 visa para makapasok sa Estados Unidos na kalaunan ay gagamiting paraan upang makakuha ng Asylum Visa.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service kay Consul General Zoilo Velasco ng Philippine Embassy sa Washington D.C., sinabi nito na naniniwala ang Estados Unidos na ang paggamit ng B1 at B2 Visa para makakuha ng Asylum sa kanilang aplikasyon ay maituturing na Fraud na maaaring patawan ng revocation ng kanilang visa.
Ang B1 at B2 visa, batay sa paliwanag ni Consul General Velasco, ay para sa pansamantalang pamamalagi sa U.S. bilang isang estudyante, turista, negosyante, pagdalo sa mga kumperensya, at para sa medical treatment lamang.
Ayon pa sa opisyal ng embahada, batay sa datos ng Estados Unidos, nakapag-isyu ng 4,991 na B1 visa at 41 B2 visa ang Estados Unidos noong 2024 samantalang 152,000 na B1/B2 visa ng kaparehong taon.
Wala namang Pilipinong nabigyan ng Asylum Visa nitong 2024 at 20 Asylum Visa lang noong 2023.
Dahil dito ayon kay Velasco, maliit na bilang ng mga Pilipinong may B1 at B2 visa na nag-avail ng Asylum ang maaaring maapektuhan.