Buo ang suporta ng Philippine National Police (PNP) sa isinusulong na panukalang batas ni Senator Bam Aquino na naglalayong magtatag ng isang tuloy-uloy at may ugnayang pamamaraan para protektahan ang mga mag-aaral mula sa anumang banta.
Ayon kay PNP Chief, Police General Jose Melencio Nartatez Jr., sa ilalim ng Senate Bill 2426 o ang Comprehensive School Safety Act ni Aquino, magtatatag ng isang pambansang sistema para sa kaligtasan ng mga paaralan.
Binigyang diin din nito ang kahandaan ng pulisya na patatagin ang mga hakbang para protektahan ang mga paaralan sa buong bansa.
Ayon sa PNP Chief, katuwang sila ng DepEd para paigtingin ang kampanya sa kaligtasan sa paaralan para sa mas mahigpit na pag-iinspeksyon, pamamahala sa mga bisita, at pagpapalakas ng pagpapatrulya ng pulisya.