Mahigpit na tinututukan ng Philippine Navy ang pagbabantay at pagmamatyag nito kaugnay ng napaulat na rocket launch mula sa Hainan International Commercial Launch Center sa Wenchang, Hainan Province sa China.
Ito’y batay sa ulat ng Naval Command West makaraang mamataan ang hinihinalang rocket trail na pinaniniwalaang buhat sa Long March-12 missile na pinakawalan ng China sa Puerto Princesa City sa Palawan nitong weekend.
Nabatid na alas-3:37 ng umaga nitong sabad nang mamataan ng Navy ang mga pinaniniwalaang rocket tail mula sa hilagang silangan patunong timog-silangang bahagi ng kalangitan.
Namataan din ng mga tauhan ng Navy sa Tubbataha Reefs Natural Park ang nasabing rocket trail na tumagal lamang ng ilang segundo habang narinig nman sa Puerto Princesa ang dalawang malakas na pagsabog.
Una nang nagbabala ang Philippine Space Agency (PhilSA) sa mga mangingisda at sa mga residente sa lugar na huwag lapitan ang mga babagsak na debris dahil sa peligrong dulot nito.