Binigyang-diin ng Department of Agriculture (DA) na hindi tumitigil ang kanilang kagawaran sa pagbibigay ng oportunidad at puhunan sa mga kooperatibang nakasentro ang operasyon sa sektor ng agrikultura.
Sa isinagawang pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Batangas Egg Producers Multi-Purpose Cooperative (BEPCO) napatunayan na naging mabunga ang inilaang pamumuhunan ng DA para maisulong ang food storage and preservation sa produktong itlog.
Ani Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., 2015 pa ng unang mamuhunan ang DA sa BEPCO na kalauna’y naging matagumpay dahil sa produksiyon ng liquid egg at ngayo’y dinagdagan pa ng DA ang grant nito upang mas lumawak pa ang operasyon ng BEPCO.
Ayon sa kalihim, hinding-hindi mag-aatubili ang pamahalaan na sumuporta sa agri stakeholders at kooperatiba lalo na kung makatutulong ito sa pagpapataas ng antas ng food security ng bansa sa pamamagitan ng food production, storage, processing, and preservation.