Mas paiigtingin pa ng Department of Science and Technology (DOST) ang pakikipag-ugnayan at koordinasyon sa mga kooperatiba at grupong nakasentro sa pagpapalakas ng agri sector ng bansa lalo na kung ito’y nakasentro sa usapin ng food security.
Ayon kay DOST Secretary Renato Solidum Jr. isa lamang ang Batangas Egg Producers Multi-Purpose Cooperative (BEPCO) sa mga posible pang matulungan ng DOST sa pamamagitan ng science innovation tulad ng ginagamit na ngayong spray drying method na bumuo sa produktong powdered egg.
Mutually beneficial ani Solidum ang pakikipagtulungan ng DOST sa mga kooperatiba dahil dito mas napupulido ng DOST ang kanilang research and development kung saan nagagamit bilang pilot area sa mercado ang mga produktong bunga ng mga imbensiyon at science innovation.
Alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., lalo pang pinalalakas ng DOST ang ugnayan nito sa agri stakeholders upang mas mapagaan ang kanilang buhay at hanapbuhay sa pamamagitan ng siyensiya.
Isa rin itong pamamaraan ayon sa DOST upang ma-scale up hindi lang ang produktong Pinoy kundi maging ang kakayahan ng mga Pinoy saan mang larangan at sector sa tulong ng agham at siyensiya.