Photo courtesy of House of Representatives
Pinagtibay ng Subcommittee ng House Committee on Human Rights ang pinag-isang panukalang batas na naglalayong gawing polisiya ang karapatan ng bawat Pilipino sa sapat na pagkain.
Kabilang sa anim na panukala na pinagsama ang House Bill 3545 ni Speaker Faustino Dy III na naglalayong palakasin ang mga hakbang ng gobyerno laban sa gutom at food insecurity.
Ayon kay Dy, tinatayang 7.5 milyong Pilipino ang nakaranas ng involuntary hunger noong 2025 dahil sa kakulangan ng pagkain.
Giit ng Speaker, hindi magiging madali ang layuning wakasan ang involuntary hunger sa loob ng 10 taon at mangangailangan ito ng malaking resources at commitment.
Umaasa naman si Dy na maisabatas ang panukala bilang isa sa mga magiging legasiya ng 20th Congress upang matiyak na malaya sa gutom ang mga susunod na henerasyon.
Nakabatay ito sa Sustainable Development Goal Number 2 o Zero Hunger na naglalayong makamit ang food security, mas maayos na nutrisyon at sustainable agriculture.