Tiniyak ng Department of Science and Technology (DOST) na ipinaaabot ang scholarship programs sa mga estudyante na nasa malalayong lugar.
Ito’y bilang pagsuporta sa hangarin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na dagdagan ang mga scientist, engineer, researcher, at innovator sa bansa.
Sa programang BANGON, BAYANG MAHAL, sinabi ni DOST Scientific and Technical Services Undersecretary Maridon Sahagun na pinalalakas nila ang kampanya tungkol sa scholarship para mas maraming Pilipinong estudyante ang makinabang, lalo’t isinusulong ang dagdag budget nito para sa susunod na taon.
Nasa ₱8.67 billion ang panukalang budget para sa science and technology programs sa 2027 kung saan inaasahang masusuportahan ang 67,504 scholars sa buong bansa.