Pag-aaralan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang posibleng pagtaas sa mandatory retirement age ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) mula 56 patungong 60 anyos.
Ito ay matapos ihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang kanyang suporta sa panukala.
Binigyang-diin ng kalihim na umabot na sa mahigit 70 taon ang life expectancy o inaasahang haba ng buhay ng mga Pilipino, ibig sabihin ay competitive at produktibo pa ang mga pulis na sumasapit sa edad 56.
Ayon kay Manila Representative Rolando Valeriano, na kasabay ng pagtaas ng edad ng pagreretiro, kailangang magpatupad ang DILG at PNP ng mahigpit at taunang health evaluations na angkop sa edad at kakayahan ng mga opisyal.