Photo courtesy of Manila PIO
Patuloy ang pagbabantay ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa mga W.I.L.D. diseases, matapos maitala ang 47 bagong kaso ng leptospirosis ngayong Agosto 29.
Batay sa pinakahuling datos, umabot na sa 502 ang kabuuang kaso ng leptospirosis sa Maynila mula Enero 1 hanggang Agosto 29, 2026.
Nakapagtala rin ang lungsod ng 29 bagong kaso ng dengue, 10 kaso ng influenza-like illness o ILI, at dalawang bagong kaso ng typhoid fever at severe acute respiratory infection o SARI.
Samantala, walang bagong kaso ng cholera at COVID-19 na naitala ngayong araw sa lungsod.
Patuloy namang hinihikayat ang publiko na mag-ingat at agad magpakonsulta kapag nakararanas ng mga sintomas na maaaring kaugnay ng mga sakit na ito.