Patuloy na tinututukan ng Department of Health o DOH ang pagpapabilis pa ng serbisyo ng mga DOH hospital upang tugunan ang mga kaso ng leptospirosis.
Ayon kay Health Secretary Edwin Mercado, nag-deploy na sila ng karagdagang tents, personnel at medical equipment sa mga DOH hospital, partikular sa San Lazaro Hospital, na may mataas na volume ng mga pasyenteng na-diagnose na may leptospirosis.
Paglilinaw ni Mercado na hindi naman talaga hahaba ang pila kung hindi dahil sa waiting time ng paglabas ng resulta ng diagnosis para sa sakit na leptospirosis.
Kaya naman, ang naging solusyon na rito ay ang pagdaragdag ng triage area sa labas ng emergency area upang doon na maghintay ng resulta ang mga pasyente at makausad ang mga medical personnel sa pag-asikaso sa iba pang pasyente.
Gayundin, inaayos na ng DOH ang dagdag na dialysis units para sa mga severe cases ng leptospirosis. Dagdag pa ni Sec. Mercado na maaari na rin namang magpagamot ang publiko sa mga pribadong ospital dahil pinalawig na ang PhilHealth packages sa leptospirosis, kung saan ang mild cases ay may coverage na hanggang P68,000, habang ang severe cases ay aabot ang PhilHealth coverage sa ₱411,000.