Sumampa na sa higit 579 katao ang kumpirmadong nasawi sa mapaminsalang flash flood sa Northern Nepal noong Miyerkules, August 26, 2026.
Patuloy pa rin ang search and rescue operations ng Nepal Government sa mga nawawalang indibidwal.
Ayon sa Nepal National Disaster Risk Reduction and Management Authority, nasa 1,924 katao ang nawawala, kabilang ang 575 foreign nationals. Umabot naman sa 15,000 security personnel ang idineploy para sa patuloy na operasyon.
Kabilang sa mga nawawala ang isang Pilipino na kinilalang si Juan Carlos Manalo, na nakalista sa official log ng Nepal Department of Tourism bilang bahagi ng isang “trekkers society.”
Humihingi na rin ng tulong at impormasyon ang kaniyang kapatid na si Chaira Manalo upang matukoy ang kinaroroonan ni Juan Carlos.