Apat na pasahero ang patuloy na hinahanap ng Philippine Coast Guard o PCG matapos mahulog sa Tarlac River ang sinasakyan nilang sasakyan kasunod ng bahagyang pagguho ng Agana Bridge sa Tarlac City.
Pansamantalang itinigil ang search and rescue operation dahil sa malakas na agos ng ilog at mababang visibility.
Ngayong August 31, sinabi ng PCG na nakikipag-ugnayan ang Coast Guard Station Pampanga at Special Operations Unit NCR-Central Luzon sa mga lokal na awtoridad para maipagpatuloy ang operasyon kapag ligtas na ang kondisyon para sa mga rescuer.
Katuwang din sa paghahanap ang mga disaster response office ng Tarlac at Nueva Ecija, Tarlac City Police Office at iba pang responding agencies. | ulat ni Lorenz Tanjoco