Nag-deklara ng State of Calamity ang probinsya ng Tarlac sanhi ng ilang lingo pag-ulan na nag-dulot ng malawakang pagbaha at pag-guho ng ilang bahagi ng Agana st Aquino Bridge.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service kay Tarlac Governor Christian Yap, tinataya ang inisyal pa lamang na epekto ng pagbaha ay pumalo na sa 150 milyong piso sa ekonomiya ng probinsya.
Dagdag pa ng gobernador na malaking epekto ang pag-guho ng ilang bahagi ng Agana at Aquino bridge sa transportasyon ng mga Tarlaqueño maging sa mga negosyo na umaasa sa dalawang pangunahing tulay sa Tarlac.
Sa kasalukuyan, ani Governor Yap, patuloy ang assessment ng DPWH sa nabanggit na mga tulay kabilang na ang planong mag-tayo ng pansamantalang tulay na magagamit ng mga light vehicles para matugunan ang problema sa transportasyon.
Patuloy ding mino-monitor ng provincial government kasama ang provincial health department ang pagtaas ng kaso ng mga sakit tulad ng Leptospirosis dulot ng matinding pagbaha.
49 evacuation centers ang kasalukuyang nag-bibigay ng pansamantalang shelters at pang-araw araw na pangangailangan para sa 1,748 libong pamilya ngaunit pinapangambahang tumaas ang bilang na ito sanhi ng patuloy na nararanasang epekto ng pagbaha.