Umabot na sa 35-kilometro ng Tarlac River ang nasuyod ng Philippine Coast Guard (PCG) sa paghahanap sa mga nawawala matapos ang bahagyang pagguho ng Agana Bridge sa Tarlac City.
Ayon sa PCG, nagsimula ang paghahanap sa Barangay Aguso at umabot hanggang Ablang River sa Paniqui, Tarlac.
Pinalawak din ang search and rescue operations sa mga bahagi ng ilog malapit sa Ablang Bridge at Paniqui Bridge, kung saan posibleng inanod ng agos ang mga nawawala.
Wala pang natatagpuan hanggang alas-6 ng gabi ng August 31.
Ipinagpatuloy ngayong September 1 ang search and rescue operations.