Naka-deploy na ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Sunog Apog Pumping Station sa Tondo, Manila matapos manakaw ang specialized cable sa pasilidad.
Dahil sa insidente, hindi gumana ang pumping station at nagresulta sa abot-bewang na baha sa lugar noong Sabado, August 29.
Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang deployment ng PCG upang bantayan ang seguridad ng mga pumping station at matiyak na hindi na mauulit ang nakawan.
Ayon sa mga residente, malaking tulong sa kanilang komunidad ang Sunog Apog Pumping Station dahil ilang linggo na silang hindi binabaha bago nangyari ang insidente.