56 na barko ng People’s Liberation Army-Navy, namataan sa West Philippine Sea nitong Agosto
Aabot sa 56 People’s Liberation Army Navy at China Coast Guard vessels ang na-monitor ng Philippine Navy sa apat na bahagi ng West Philippine Sea nitong Agosto.
Ayon sa AFP, kabilang dito ang 18 vessels sa Ayungin Shoal, 23 sa Bajo de Masinloc, 9 sa Escoda Shoal at 6 sa Pag-asa Island.
Sa kabuuan, 18,534 vessels ang na-monitor ng Philippine Navy sa karagatang sakop ng bansa kung saan 2,545 ang domestic at 15,989 ang foreign vessels.
Isinagawa ang radio challenge sa mga namonitor na sasakyang-dagat bilang bahagi ng maritime monitoring ng bansa.