Photo courtesy of Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña
Kinuwestiyon ni Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña ang patuloy na paniningil ng toll sa NLEX sa kabila ng matinding pagbaha at ilang bahaging hindi madaanan ng mga motorista.
Ayon kay Cendaña, naging parang “North Luzon Express Lake” na ang NLEX dahil sa baha, ngunit wala pa ring suspensyon sa toll collection.
Iginiit niyang hindi maliit ang halagang binabayaran ng mga motorista sa toll fee kaya dapat suspendihin ang koleksyon sa mga bahaging hindi passable.
Aniya, hindi dapat singilin ang mga motorista kung hindi naman kayang tiyakin na ligtas at maayos ang kanilang daraanan.
Sa kasalukuyang, ilang bahagi ng NLEX sa San Simon, Pampanga ang patuloy na nakararanas ng water buildup at matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko dahil sa pagtaas ng tubig sa Pampanga River.