Humingi na ng tulong ang Department of Migrant Workers (DMW) sa Nepal Labor Ministry para agad na mahanap si Dr. Juan Carlos Manalo.
Si Manalo ang nawawalang Pilipinong doktor matapos ang flash floods sa Nepal-China border.
Ayon kay DMW Sec. Hans Leo Cacdac, bagamat hindi OFW si Dr. Manalo ay hindi tumitigil ang pamahalaan upang mahanap ito at makakalap ng impormasyon sa kalagayan at kinaroroonan nito.
Pagdating naman sa bilang ng OFWs sa Nepal, kinumpirma ni Cacdac na 28 ang naka-deploy na OFW sa nasabing bansa, 22 rito ang accounted na habang anim naman ang patuloy na kino-contact pero hindi naman nai-ulat na nawawala.
Nasa ligtas na kondisyon din ayon sa DMW ang mga Pilipinong nakapangasawa ng Nepalese matapos ang matinding flash flood.