Umakyat na sa 39 ang bilang ng mga napaulat na nasawi dahil sa epekto ng nagdaang mga bagyo at habagat.
Ayon sa NDRRMC, mayroon ding 20 nasugatan at tatlong nawawala.
Pinakamaraming nasawi ang naitala sa Cordillera Administrative Region (CAR) na may 15, sinundan ng CALABARZON na may 10, Region 3 na may lima, MIMAROPA at National Capital Region na may tig-tatlo, Region 1 na may dalawa, at Region 6 na may isa.
Karamihan sa mga nasawi ay dahil sa landslide o rockslide, pagkalunod at pagkakuryente.
Samantala, nasa 20,279 pamilya o mahigit 71,000 indibidwal pa ang pansamantalang nananatili sa 968 evacuation centers, habang umabot naman sa 2.7 milyong pamilya o mahigit 9.4 milyong indibidwal ang naapektuhan sa walong rehiyon.
Sa ngayon, mahigit 700 lugar pa ang nakararanas ng baha.