Nagpaabot ng tulong ang Manila Water Foundation sa mga komunidad na naapektuhan ng pagbaha dahil sa Habagat.
Ayon kay Reginald Andal, Executive Director ng Manila Water Foundation, namahagi ang Foundation, kasama ang Clark Water at Municipal Government of San Simon, ng 600 limang-galon na inuming tubig at 200 hygiene kits sa mga evacuee sa San Simon, Pampanga.
Mahigit 21,000 pamilya ang naapektuhan ng baha sa bayan, habang nasa 500 evacuees mula sa limang barangay ang nakatanggap ng tulong.
Samantala, 450 limang-galon na tubig ang ipinamahagi sa mga evacuation center sa East Zone, na nakatulong sa mahigit 2,088 evacuees.
Magbibigay rin ang Foundation ng 1,750 galon ng potable water para sa Barangay San Jose sa Rodriguez, Rizal, na makikinabang ang mahigit 2,466 indibidwal.