Muling nagpaalala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko na siguraduhin na ang bibilhing Christmas lights ay may tamang certification at safety markings.
Sa paalala ng DTI MIMAROPA at Davao sa mga konsumer para sa mga gawang lokal na christmas lights, dapat hanapin ng consumers ang Import Commodity Clearance (ICC) sticker pati na rin ang Philippine Standard (PS) marks.
Ayon sa ahensya ang marking ang magsisilbing palatandaan upang matiyak na dumaan sa tamang certification process ang produkto at ligtas itong gamitin ng publiko.
Kung may mamamataan naman aniyang nagbebenta ng walang sticker ay maaari itong ilapit sa kanilang hotline o Negosyo Center.
Giit ng DTI, prayoridad ay maging maayos ang mga produktong mabibili ng publiko lalo na ngayong holiday season.