Hindi lang ginagawa subalit sa matagal ng panahon ay mayroon nang masterplan para sa flood management ang bansa.
Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa harap ng pagtugon ngayon ng gobyerno para masolusyonan ang problema sa baha.
Ayon sa Pangulo, dekada na ang binilang sa pagkakatengga ng masterplan na ngayon ay sinisimulan na ng pamahalaan.
Kasabay naman ng pagpapatupad ng masterplan ay ang ginagawa na ring pag-a-update dito lalo na’t nasa apat na dekada na ang nakalilipas.
Bago aniya matapos ang 2026 ay matatapos na ang pag-a-update dito kung saan kabilang ang nasa 16 to 18 major river basins.