Hindi pa opisyal na natatanggap ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang kopya ng kautusan ng Sandiganbayan para sa paglaya ni dating Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan.
Ayon sa CIDG, isinasailalim na nila sa validation ang naturang release order upang matukoy kung wala nang ligal na batayan upang manatili si Bonoan sa kanilang kustodiya.
Tiniyak naman ng CIDG sa publiko na susundin ng PNP ang kautusan ng Sandiganbayan at igagalang ang rule of law.
Nauna nang sinabi ni PNP Spokesperson PCOL Allen Rae Co na pinoproseso na ng CIDG ang release order ni Bonoan kaya’t posibleng hindi pa ito makalaya ngayong gabi. | via Diane Lear