Nagsasagawa na ngayon ng updating ang gobyerno sa master plan nito hinggil sa flood management.
Ito ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro sa gitna ng napakatagal nang panahong hindi nagamit ang masterplan na noon pang 1930s o 1940s binalangkas.
Ayon kay Castro, Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nagsasagawa ng updating na nakapokus sa 18 major river basins at mga critical principal rivers.
Sa nakalap nilang datos sa kagawaran as of May 31, 2026, mayroon na aniyang updated master plan at feasibility studies sa 16 na major basins.
May mga feasibility studies din aniya sa ilang mga lugar na kayang tapusin ngayong 2026 at ito ay mga lugar ng Cagayan, Pasig, Marikina, at Laguna Bay River Basins.