Ikinokonsidera na ng Department of Education (DepEd) ang posibleng pagpapatupad ng paggamit ng transparent school bags sa mga estudyante upang mapaigting pa ang seguridad sa mga paaralan.
Ayon kay Education Undersecretary, Dr. Malcolm Garma isa ito ngayon sa mga pinag-aaralan ng DepEd upang maging mas mabilis ang inspeksiyon sa mga bag ng estudyante.
Sa kabila nito ay nangangailangan pa ito ng karagdagang konsultasyon sa education stakeholders lalo na sa Parent-Teachers Association (PTA) dahil isa sa mga posibleng masagasaan ng aksiyong ito ang privacy ng mga mag-aaral.
Kaya naman magiging malaki ang parte ng PTA upang mas mahimay ang suhestiyong ito upang mas mapataas pa ang antas ng seguridad at mapanatili ang kaayusan sa mga paaralan.