Naglabas ng abiso ang Manila Water na pansamantalang maapektuhan ang suplay ng tubig sa ilang brgy sa Makati at Taguig simula alas-10 ng gabi mamaya hanggang alas-4 ng madaling araw bukas, September 4 para sa maintenance at emergency repair.
Sa Taguig City ang maapektuhan ay ang Brgy. Bagumbayan dahil sa gagawing line meter strainer at declogging sa Manalac Corner 1st Avenue Bagumbayan Taguig City.
Sa Makati City naman ang apektado ay Dasmariñas Village dahil din sa gagawing pagpapalit at declogging sa line meter sa Mahogany Corner, Acacia, Dasmariñas Village Makati City.
May ilan ding lugar na apektado ng maintenance sa Quezon City, Marikina, at Cainta, Rizal.
Inaabisuhan ang mga residente na mag-impok ng kinakailangang tubig habang isinasagawa ang scheduled maintenance.
Tiniyak naman ng Manila Water na matapos ang maintenance ay agaran ding babalik ang suplay ng tubig.