Hinihikayat ng Department of Energy (DOE) ang mga consumer partikular ang mga bahay, business at healthcare facilities na may renewable energy na pumasok sa Net-Metering Program na makakatulong para makabawas sa malaking gastusin sa kuryente.
Ang Net-metering ay proseso kung saan ang mga nakukuhang sobrang kuryente mula sa renewable energy tulad ng mula sa solar panels ay mapupunta sa power grids at magiging credit sa mga consumer para mas maging mababa ang babayaran nilang kuryente mula sa kanilang mga bill
Upang mas palakasin pa ang programa, naglunsad ng Net-Metering Caravan 2026 ang DOE katuwang ang Institute for Climate and Sustainable Cities (ICSC) na may temang “Accelerating Rooftop Solar Adoption through Streamlined Net-Metering.”
Ang caravan ay nagbibigay impormasyon sa mga consumer at stakeholders ano ang net-metering upang mahikayat na makiisa sa programa.
Kasama din naman sa caravan ang mga LGU, distribution utilities, electric cooperatives, developer at installers, financing insititutions at civic groups para sa mas madaling aplikasyon sa programa.