Para kay House trial spokesperson at Lanao del Sur Representative Zia Alonto-Adiong, isang “fantastic performance” ang ipinamalas ni private prosecutor at legal spokesperson Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr. na nagpataas ng viewership ng impeachment trial at umaliw sa publiko, dahilan para hindi na kailangang sitahin o pakiusapang mag-tone down ang abogado.
Dala aniya ni Tolosa ang kanyang matalas na husay bilang isang litigator kaya epektibong nailabas ng prosekusyon ang kanilang punto hinggil sa maling paggamit ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte.
Binigyang-diin naman ni House Prosecutor at Manila Rep. Joel Chua, na normal lamang ang mainitang pagtatalo ng mga abogado sa loob ng korte upang maipagtanggol ang kani-kanilang panig.
Paliwanag niya, ang kontrobersiyal na pahayag ni Tolosa na “abugadong walang alam” ay angkop na paglalarawan o pag “laymanize” sa paulit-ulit na tugon ni Poa, na wala siyang kaalaman sa confidential funds—isang pahayag na ibinato sa tamang konteksto at walang layuning bastusin ang kapwa abogado.